z-logo
open-access-imgOpen Access
Mga Salik Sa Kakayahan Sa Paggamit Ng Pandiwa At Pang-Uri Sa Mga Isinulat Na Komposisyon Ng Mga Mag-Aaral Sa Sekondarya
Author(s) -
Josephine C. Patilan
Publication year - 2014
Publication title -
proceedings journal of interdisciplinary research
Language(s) - Slovak
Resource type - Journals
eISSN - 2423-298X
pISSN - 2423-2998
DOI - 10.21016/irrc.2014.14ntt041
Subject(s) - microbiology and biotechnology , biology
Tinukoy ng pag-aaral na ito ang antas ng kakayahan sa paggamit ng pandiwa at pang-uri sa mga komposisyong isinulat ng mga mag-aaral sa Sanayan na Mataas na Paaralan ng Pamantasan ng Silanganing Pilipinas. Tinukoy rin ng pag-aaral ang mga salik tulad ng wika/wikaing ginagamit sa bahay, paboritong babasahing Filipino, paboritong panooring pelikula, paboritong asignatura, paboritong leksiyon sa Filipino, at grado sa ikatlong markahan at ang kaugnayan ng mga salik na ito sa kakayahan sa paggamit ng pandiwa at pang-uri ng mga mag-aaral. Kasangkot sa pag-aaral na ito ang 166 mag-aaral sa apat na antas ng mataas na paaralan. Ginamit sa pag-aaral na ito bilang instrument ng pananaliksik ay pagsulat ng isang pormal o pinatnubayang komposisyon at pagsulat ng isang komposisyong impormal o malaya. Ginamit din ang isang checklist para sa mga salik na nabanggit. Ginamitan ang pag-aaral na ito ng istadistikang angkop sa pag-aaral gaya ng bahagdan, mean, weighted mean at regression analysis. Karamihan sa mga kalahok sa pag-aaral ay nagsasalita ng Ninorte-Samarnon sa kanilang mga bahay. Ang paboritong babasahin ng mga mag-aaral ay pahayagan. Marami sa mga kalahok ang nanonood ng mga pelikulang Ingles. Ang kanilang paboritong asignatura ay Araling Panlipunan. Ang paborito nilang leksiyon sa Filipino ay panitikan. Marami sa mga kalahok ay nakakuha ng gradong 85 bahagdan sa ikatlong markahan. Mababa ang antas ng kakayahan ng mga mga-aaral sa paggamit ng pandiwa samantalang katamtaman naman ang kakayahan nila sa paggamit ng pang-uri. Sa pagsusuri ng null hypothesis, ang wika/wikaing ginagamit sa bahay, paboritong babasahing Filipino, paboritong panooring pelikula, paboritong asignatura, at grado sa ikatlong markahan ay may makabuluhang kaugnayan sa kakayahan ng paggamit ng pandiwa samantalang ang paboritong leksiyon sa Filipino ay walang kaugnayan sa paggamit ng pandiwa. Ang lahat ng salik na nabanggit ay may makabuluhang kaugnayan sa paggamit ng pang-uri. Inirekomenda ng pag-aaral ang malimit na pagbibigay ng guro ng pagsasanay sa pagsulat ng komposisyon. Makakatulong din sa mga mag-aaral ang pagbabasa ng diyaryo at iba pang uri ng babasahing Filipino at ang panonood ng mga programang Tagalog o Filipino at pelikulang Filipino.

The content you want is available to Zendy users.

Already have an account? Click here to sign in.
Having issues? You can contact us here